Tuesday, September 18, 2007

Pilipino! Pilipino!

The list below shows the symptoms tha you are watching a good 'ol pinoy action movie. This was taken form Bob Ong's "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?" Enjoy!

1. Umiikot ang istorya sa paghihighanti.

2. Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamaganak n'ya ( nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, syota, kulasisi, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, etc..)

3. Isa sa mga eksena ay babastusin ang bida, o ang syota n'ya, ng mga nag-iinumang istambay.

4. Magkakagulo sa isang okasyon ( birthday, kasal, binyag, burol )

5. Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ng leading lady ang mga sugt n'ya.

6. Pag narinig mong tumawa ang isang karakter nang "bwahahaha", automatic, kontrabida 'yon.

7. Pag may gagawing masama, tumatawa ang kontrabida, kahit habang nanggagahasa.

8. Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.

9. Mahilig sa leather jacket ang kontrabida. Kahit buwan ng Abril at tanghaling tapat.

10. Ang structure ng mga kalaban: Ang Boss at ang kanyang "mga bata".

11. Ang kuta ng mga kalaban e sa warehuose o malaking bahay.

12. Lagi ding may eksena sa isang beer house.

13. May seksing leading lady at may bed scene na pwedeng ikwento sa Abante.

14. Pagkatapos ng nagbabagang bed scene ay mahinhin uli ang leading lady.

15. Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalaki lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin.

16. Kung mako-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang at pahihirapan dahil lagi syang gustong mahuli nang buhay ng big Boss.

17. Pagdating ng big boss, papatayin din sya, pinatagal lang ng konti.

18. Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nagtututukan ng baril..... mahabang pag-uusap, parang balagtasan, tila baga mag-syotang nasa telepono.

19. May malakas na pagpapasabog kahit hindi naman kailangan.

20. Walang malakas na pagpapasabog kahit kailangan.

21. Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.

22. Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

23. Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa sya nakakahawak nito sa buong buhay nya.

24. Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod nang sabay-sabay, laging isa-isa, parang nagsasayaw.

25. Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlumpong tao na ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila ay tinatamaan nya.

26. Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang....bawal sa ulo o sa puso.

27. Siyam ang buhay ng bida.

28. Doble pa nito ang buhay ng leading lady.

29. Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng isang page na script bago malagutan ng hininga.

30. Pagkatapos pakinggan ang farewell speech, titingala ang naulila at isisigaw ang pangalan ng namatay.

31. Pero hindi lubusang nagiging ulila ang bida dahil kadalasan itong may spare na partner.

32. Huling darating ang maraming pulis at didiretso agad sila sa pag-aaresto sa mga kalaban. Oo, paramg may palatandaan sila kung sino ang mga kalaban....at wala silang pakialam sa bida, kahit na sangkot ito sa riot.

No comments: