Sunday, September 20, 2009

Falling, yes I am falling.

Eh saan ka naman mahuhulog?
Hindi ko alam.

Eh bakit mo pa nilagay yan?
Sa malayo, ang iisipin na mga makakakita nito, nahuhulog ako para sa isang tao. Ang totoo, para akong nahuhulog mula sa isang milyong talampakang gusali. Tapos bubudburin ako sa isang milyong piraso para lang ipakain sa mga manok sa bukid.

Ang arte mo naman.
Hindi ako maarte 'no. Ganito talaga ako sa normal kong kondisyon. Hindi ko lang masyadong pinapakita.

Ows?
Oo. Kung ayaw mo maniwala eh di 'wag. Sino ka nga pala?

Isang maliit na boses sa utak mo na: ikaw ang gumawa, gustong lumabas kaso pilit mong hinaharangan at isang guni-guni na inimbento mo para libangin ang iyong sarili.
Bakit naman ako maniniwala sa'yo?

Kasi ako ay ikaw. Tayo ay iisa. Tayong dalawa. Hahaha. Ang baduy ko pala. Parang ikaw.
Ewan ko sa'yo. Matutulog na'ko. Bukas wala ka na.

Tingnan lang natin. Hindi mo ko kayang i-terminate. Hindi ako tulad ng isang palabas sa TV na kina-cancel kapag hindi nagcli-click sa masa.
*Signature taray look* Whatever.


______________________________
I've Just Seen A Face - The Beatles

No comments: