Ang taong too tawzhan siben ay naging isang lowded na tri handred siksti-payb deys para sa akin. Ang taong ito ay nag-ukit ng parehong magaganda at masasakit na larawan at alaala sa aking puso na dadalhin ko hanggang sa aking puntod. Bakit kamo? Siguro dahil sa taong ito ako'y:
Ang drama pala nung huli. Pero, aaminin ko, totoo yan. Samakatuwid, lahat ng yan ay totoo. Kung ayaw mong maniwala, eh di wag, hindi kita pinipilit.
P.S. This is my year-ender post but not the last post of the year. And all of the happenings are on chronological order.
Cheers. Happy 2008. Ngatngatan tayo.♥
- tinawag na 'dambuhalang bakulaw' ng isang malapit[at malupit] na kaibigan
- nagkaroon ng pasa na kasinglaki ng tatlong singko sa kaliwang bahagi ng aking left femur
- nag-interbyew ng mga nag-gagandahan at nag-gwagwapuhan[?] na mga nilalang sa aming paaralan
- pinakitaan ng pinakamasagwang hayop sa balat ng lupa sa gitna ng aking bathing session
- tumanda ng isang taon at mas lumapit sa bingit ng kamatayan
- nakakita ng taong nagkolaps na una ang ilong
- naging usherette sa isang gradwasyon
- nag-alaga ng isang rodent
- nagmotorkeyd mula Pacol hanggang Concepcion noong Biyernes Santo
- nagpakalunod sa isang swimming pool sa gitna ng bukid
- muntik ng masagasaan ng bulldozer
- naglakad na walang saplot ang paa at walang payong sa mainit at mabatong buhangin ng Pasacao na eksaktong alas dose ng tanghali noong Abril
- gumawa ng teleserye tungkol sa buhay-pag-ibig ng tatlo kong pinsan
- nagmukhang anino ng aking ina dahil sa pagiging sunud-sunuran sa mala-palasyong laki ng PICC
- natulog ng alas dos ng umaga sa apat na sunud-sunod na araw kasi paulit-ulit na pinanuod ang paboritong palabas sa YouTube
- nagwakas ng isang-taong di-pagpapansinan sa pagitan ng aking kuya
- hinandelan ng isang double-quinquagenarian
- nag-alyas cupido sa pag-iibigan ng isang balyena at isang siopao
- sumali sa isang cookfest
- naging isang kadete
- pinagalitan ng isang matandang estranghero sa dyip dahil wala raw kaming GMRC
- nakabilang sa isang samahan na may pangalang katunog ang pagsabog ng bomba
- nakasali sa isang parada!
- umibig at nasaktan sa pinakaunang pagkakataon
- hindi pumasok sa isang asignatura kasi ayoko ng titser
- naging Queen of Fairy kahit sa saglit na panahon lamang
- namatayan ng lolo
- nagselebreyt ng anibersaryo ng aking mga pinakamamahal na mga ka-ibigan
- nagbitaw ng pinakauna kong Tagalog na bad word sa bisperas ng Pasko
- at sa pang-tatlumpong posisyon, siguro dahil ako'y nagpakatao at nagpakatotoo.
Ang drama pala nung huli. Pero, aaminin ko, totoo yan. Samakatuwid, lahat ng yan ay totoo. Kung ayaw mong maniwala, eh di wag, hindi kita pinipilit.
P.S. This is my year-ender post but not the last post of the year. And all of the happenings are on chronological order.
Cheers. Happy 2008. Ngatngatan tayo.♥
No comments:
Post a Comment