Friday, July 04, 2008

Born on the 4th of July.

Music: Shout to the Lord by AI7 Top 8

Lumiban ako sa eskwelahan ngayon.

Matagal-tagal ko na ring binalak ang paga-absent kaso laging nade-delay. At ngayon, natupad ang planong ito. Dahil medyo umatake and migraine-slash-short-termed lagnat-slash-katamaran ko, sinamantala ko na ang pagkakataon.

Di ko inisip na ngayon nga pala kami magre-reunite ng aking mga 'sisterfriends' at sabay-sabay na babasahin ang lihim na pangkaibigan ni B. Di ko inisip na ngayon pala yung deadline ng mga takda at ngayon kami magpapakitang gilas ng aming mga English skills sa English (syempre). Nawala na rin sa utak ko na ngayon ang Health eksam namin sa MAPEH, na ako ang magdadala ng kostyum ni Denise, at hindi ako kinakausap ni bespren Jenny.

Nakakabanas talaga 'pag nikikipag-patintero sa'yo ang tadhana. Lalo na sa akin. Hindi pa ako nakakatakbo, ako na kaagad ang taya.

Tsk. Wrong timing talaga.

Pero on the bright side, kinakausap na ulit ako ng aking ate. 'Pano ba naman kasi, dalawang beses kaming nagkalmutan, nagsuntukan at naglagyanan ng pulbos sa drawer ng isa't isa. Ayos.

Pagkagising ko kanina, nakita ko agad yung libro na tinake home ni ate at naisipang basahin. Binasa ang prologue, at pinagbalik-baliktad ang libro, nagbabasakaling may sikretong naghihintay na makita ng aking 'Civilian' eyes. Pero, wala naman. Laki na lang ng gulat ko ng nakita ko si ate na nakitingin sa akin, ang mga kamay nakatali sa kanyang baywang. Patay. Caught red-handed. Wala na, away na naman to. Pero imbes na kunin yung nagkakalat na hanger sa sahig, lumapit siya sa akin, ngumiti, at kiniliti ako. Oo, kiniliti. Parehong-pareho dun sa kiliti na binigay ko kay Lala noong nakaraang araw. Phew. Buti na lang.

Pagkatapos nun, habang sinisimut ko yung mayonnaise namin, naisip ko na baka pwede pa akong pumasok, kahit sa hapon lang. Baka makahabol pa ako dun sa English presenteysyon namin.

Pero hindi. HINDI. Tinamad ako, hindi ko ginamit ang kakaunting utak na natitira sa akin at patuloy na sinumot ang paborito kong mayo.

Inubos ko ang natitirang oras sa pagbabasa ng nasabing libro, panunuod ng boring na The Covenant at sa pagkain ng mga strawberry-cheese sandwiches.

Nung medyo humapon na, dumating si Kuya na may dala-dalang mga bagong tinapay na dapat kainin at isang South Star Drug plastik na alam na alam kong, ice cream ang laman. Ayos.

Pagkatapos kumain, pinagusapan ni Mama at Papa si Kuya Patrick at ang kanyang napalakas na appetite kahit sa murang edad na tatlong taon. Tiningnan nila yung photo album na may compilation ng mga childhood pictures namin. Doon ko lang talaga nalaman ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal. No joke. Ang scene eh yung parang sa mga pelikula kung saan magsasabi ang magulang na "Our kid has grown up so fast" at sa pagsignal ng direktor eh ilalabas ng bata ang kanyang ulo at maiisip rin ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal.

Anyway.

Nung humapon-hapon na, tinawagan ko si Charm at hindi si bespren Jenny dahil baka bagsakan niya ako ng telepono. Sabi niya, may hanay daw bukas-7:30 at may workshop 'pag hapon-2:00. Ayos, pwede mo na akong i-stalk. Sabi rin niya, sabay-sabay silang umuwi ng CA at napostpone ang reunion ng aking mga ka-'sisterfriends'. Di raw nila binasa yung liham na pangkaibigan ni B at pumasok na rin si Sir Jonatz sa pinakaunang pagkakataon.

Tsk tsk tsk.

Bago maghapunan, tumawag si bespren Jenny. Ayos, hindi na siya galit sa 'kin. Nagkwentuhan kami at sinabi niya sakin kung ano yung sinabi ni Borj na lagi namang kasama ni B. Haha. Ayos talaga.

Pagkatapos ng dinner, may nangyaring operasyon. Ayoko ng i-elaborate dahil masyadong uhmmm.. kadiri. Pagkalipas ng ilang oras, nandito ako ngayon sa tapat ng maalikabok na monitor, nagsesenti-sentihan sa Vulnerable ng Secondhand Serenade.

So, over-all naging maganda naman ang kinalabasan ng aking master plan. May pros, pero may cons rin. Kahit meron pa akong apat na saknong na dapat buuin, mga terms na dapat i-memorize at training na dapat paghandaan, ayos lang. Ganyan lang talaga makipaglaro sa akin ang tadhana. Sanay na ako at kahit parang di-patas, alam kong sa bandang huli, ako ang unang makakarating ng finish line.

No comments: